Isa sa mga dilemma ng karamihan ay kung may taong magmamahal sa kanya. Kung mayroon man, mapapantayan ba nito ang pagmamahal niya?

Ang tanong: Nasusukat ba ang pag-ibig?

Kung nasusukat ito, ano ang sukatan? Kapag may mga pagkakataon bang pumalya s’ya ay masasabi mo na itong sapat na pruwebang hindi ka niya ganoon kamahal? Kung minsanan lang ang pagsambit ng ginintuang mga katagang “Mahal kita,” tutukuyin mo na itong pagbabawas sa sukat?

Kung nasusukat ito, ano ang mas gugustuhin mo ang mas malaki ang pagmamahal sa iyo ng nagmamahal o mas malaki ang pagmamahal mo sa mamahalin? Sa mabuting aral, hindi ba paulit ulit sinasabing okay lang na hindi ibalik ang iyong binibigay? Basta ang importante raw ay magbigay ka ng magbigay. Ngunit sa totoong buhay, hindi ba’t wala nga namang gustong magpalamang at magulangan? Maisasakatuparan mo ba ang pag-ibig kung hindi ka na iniibig? May silbi pa ba ito kung may nakaaangat sa pagbibigay?

At kung nasusukat nga talaga ito, may pantay ba talaga na pag-ibig? ‘Yong tipong kung gaano mo sya kadalas maisip at kalalim unawain, ganoon din sya sa iyo? O kabalastugan lang ang ganitong klaseng pagkakapantay pantay? Lahat ba ay madamot sa larangan ng romansa?

Sa tingin ko, walang timbangan sa larangan ng pag-ibig. Kung mayroon man, wala na sigurong mga happy endings. Lagi at laging may lalamang kung susukatin. At kung may lalamang, edi ugat ito sa mga hidwaan. Kung may sukatan, baka lahat ay sugatan. Sabi nga sa sermon ng isang pari, “Kapag ang pag-ibig kinuwenta, nawawalan ng kwenta.” Siguro maaaring umusbong, lumalim, malanta o hindi tumuloy –pero hindi ito nasusukat. At mas lalong hindi dapat sukatin.

Kaya kung ako sa’yo wag kang hihingi ng 1 Terabyte na pagmamahal.
​

6 comments

  1. This is a very good tips especially to those new to blogosphere, brief and accurate information… Thanks for sharing this one. A must read article.

  2. Have you ever thought about creating an ebook or guest authoring on other blogs? I have a blog centered on the same ideas you discuss and would love to have you share some stories/information. I know my viewers would enjoy your work. If you’re even remotely interested, feel free to send me an e mail.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *