Ipinagdiriwang ang Araw ng mga Bayani tuwing huling Lunes ng Agosto. Sa ganitong araw daw kasi naganap ang Sigaw ng Pugad Lawin noong 1896.

Lagpas isang siglo na nga ang nakalipas, at marami ng nakaligta sa ating kasaysayan.

Kaya heto ako, isang daan at labing anim na taon man ang nakalipas, at malayo man sa aking kaibuturan ng aking puso maging isang ganap na bayani, ipagpupugay ko ang mga bayaning Pilipino ngayon sa pamamagitan ng aking pag-iibang anyo: mula aliping saguiguilid tungo sa mapagbalat-kayong Maria Clara.

PictureTinginingining….

TAGPO:

Nagsimula ang lahat sa calle Agoncillo. Villa Tortuga ang ngalan ng mansion, sa gilid ng ilog.

Hindi ito ordinaryong tahanan sapagkat sa isang sulok ng silong ng mansyong ito ay mayroong kahima-himalang salamangka!

Isang hilera ng iba’t ibang uri ng damit ang naghihintay sa mabibiktima nitong mapapasailalim sa pagbabalik siglo.

TAUHAN:

Kabilang na ako sa nabiktima nito. Bago ang mahika, ako ay isang simpleng aliping saguiguilid lamang na tumutugtog ng alpa.

Ngunit nahatak ako ng ginintuang mga pananamit. At sa ‘di ko mawaring pangyayari, bigla na lamang akong nagbagong-anyo. Nawala ang ugong ng alpa. At bumulaga sa harap ng aking mga daliri ang mga teklado. Aba! Marunong pala akong tumugtog ng piano!

Ipinag-halo-halo sina Lola Basyang, Melchora Aquino, Maria Clara at Sisa sa iisang katawan. At heto ako, mula aliping saguiguilid na walang pangalan ay bigla-biglang itinakdang maging Doña Rebolusyonarya.

Sa kasawiang palad, nahatak ko rin ang aking nanay at tatay, na buong pusong tinanggap ang kanilang pagganap sa kanilang pangunahing papel bilang Don Protacio at Doña Protacia.PicturePicture

Picture

PictureKaya tara, sa araw na ito, samahan n’yo kaming ipagdiwang ang Araw ng mga Bayani. Balikan ang ating makulay na kasaysayan at sariwain ang mga araw na maipagmamalaki natin bilang isang Pilipino. Hindi man angkop na magpunit ng sedula at magsanduguan ngayon, marami pa ring pagkakataong maging bayani sa ating mumunting paraan. Higit sa lahat, gampanan natin ang ating papel bilang makabayang Pilipino at Pilipina! 

Picture

Mabuhay ang Pilipinas!
(TUGON: Mabuhay!)

Nagmamahal,
Doña Rebolusyonarya 🙂

P.S.
Maaari rin kayong sumailalim sa makalumang transpormasyon sa pamamagitan ng pagtawag sa sikat na designer na si Lito Perez sa numerong 0917-8246900. Puwede kayong kumain ng bonggang tanghalian o hapunan dito sa bonggang Villa Tortuga habang suot ang makalumang mga damit. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *